Siguro dapat di na niya kinamusta, 'edi sana hindi niya naranasan makarinig ng kasinungalingan. Ayan ang mahirap sa isang tao na masyadong maalalahanin, akala niya lahat ng katanungan pwedeng itanong. Walang preno. Wala ng dalawang isip. Wala ng pag-iingat. Walang pero o kung ano pa man.
Bukas makalawa makikita mo na lang na napagiwanan na siya ng panahon, sadlak sa sarili niyang riyalidid na umiikot na lang sa salitang "kamusta".
Pero sino tayo para husgahan sila at sino tayo para ikahon sila sa ganung kalagayan? Pag lubog ng araw, didilim rin ang kalangitan at lahay tayo iisa lang ang hangarin, ang masilayan ang liwanag ng mga buwan at bituin kahit alam nating bukas andiyan pa rin naman sila.
No comments:
Post a Comment